Mabagat


Umuulan na naman

Di mo ba kami tatantanan?

Hanggang kelan ka papatak?

Hanggang mabutas ang bubungan?

Umuulan na naman

Nag-iingay

sumisigaw ang kalangitan

Ang galit na kinikimkim,

Ibinuhos sa amin

Umuulan na naman

Tila hindi titila

Hagupit ng hangin

Humihiyaw sa akin

Umuulan na naman

Saan na pupunta?

Nariyan na ang dilim

Naghahasik ng lagim

Umuulan na naman

Dumadaing ang lahat

Yaman ba’y basta na lang

Tinangay ng baha?

Umuulan na naman

Liwanag ay nasaan

Kailan sisikat ang araw

Masisinagan pa ba?

Umuulan na naman

Tayo’y mahinang likas

Kaya higpitan ang kapit

Sa Panginoong Dakila

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s