Tags

, , , ,


1. Salamat Panginoon dahil pinapalakas Mo ako sa Kabila ng sunud-sunod na pagpupuyat.

2. Salamat sa pagbibigay Mo ng karunungan na maintindihan ko ang mga ginagawa ko.

3. Salamat sa grasya Mo at sa paalala na patawarin na ang aking sarili sa mga pagkakamali ko sa trabaho dahil nga napatawad Mo na ako.

4. Salamat sa pagpoprotekta sakin sa tuwing ako’y uuwi at makakatulog sa bus o jeep dahil sa sobrang pagod.

5. Salamat sa mga panahon na nakakausap Kita pag bumabyahe ako papuntang office o pauwi.

6. Salamat dahil binigyan Mo ako ng magagaling at mababait na mga katrabaho. Marami akong natutunan at tiyak, marami pang matututunan sa kanila.

7. Salamat at nagagawa ko pa ring ngumiti, tumawa, makipagbiruan at kwentuhan kahit madaming tambak na trabaho.

8. Salamat at kahit sa maliit kong sahod ay nagagawa ko pa rin magbigay.

9. Salamat at kahit papaano ay pinahihintulutan kaming magcharge.

10. Salamat din Panginoon at nagagawa ko tong ipost ngayon.

11. Salamat sa oportunidad na mapaglingkuran Ka!

Advertisements