Tags

, , , , , ,


Ano nga ba ang FF??

Kung empleyado ka nga naman ng nangungunang auditing firm sa bansa, imposibleng hindi mo narining ang katagang to.

Kung ako lang, eto ang naiisip kong mga kahulugan nyan:

a. Fuyat na Fuyat

Sino ba naman ang hindi nakaranas na magstay-in sa office? Para matapos ang mga kailangan gawin, ilang buwan ang ating ginugol—mga panahon na pinagdamutan ng tulog, pahinga, at oras na makasama ang ating mga kaibigan at pamilya… Isama pa ang mga sermon na magdamag natin kinain. Nakakatakam at nakakabusog…Hai…Yung mga pagpupuyat na ninanais nais mo nang magwakas… Pero sigurado, garantisado, “necessary evil” din yung mga puyatan na yun…

b. Fagod na Fagod

Pag inabot ka nga naman nang sukdulan, itataas mo na talaga ang puting bandila para sumuko. Gusto mo nang sambitin ang mga salitang “magreresign na ko”…sabay draft ng RL…delikado lang,baka yun ang maattach sa GAMx, mapagkamalan mong ML… maging sanhi pa ng conflict na magiging attention item sa inbox ng PIC nyo.

c. Fara sa Fending

Hai naku, eto ang pinanggigigilan ko-mga pending na gustung-gusto kong maglaho na lang parang bula. Yung tipong, sana, paggising ko, wala na sya? Ngunit ano mang pilit na iwas ko sa kanya, darating at darating din ang panahon na kailangan naming magtuos at kailangan ko syang tsugiin, este, tapusin nang hindi maboljak ni boss.

d. Fara sa Fagkain

Kung meron ka mang makukuha sa firm bukod sa malawak na kaalaman, eto ang malapad na waistline. Pero sa kasamaang palad, imbis madagdagan, nabawasan pa ang aking timbang! Di bale, blooming pa rin naman (o, wala nang aangal?! 🙂 dahil alam ko, ganun din naman kayo—naks! haha :P.

e. Fara sa Firm

Eto ang alam kong kahulugan ng FF. For the Firm ika nga. Sympre, kailangan natin gawin ng maayos ang trabaho natin bilang mga representative ng firm. Kapag di tayo makapaghatid ng dekalidad na serbisyo sa publiko, eh naku, delikado… Makwe-kwestiyon ang credibilidad ng firm na matagal na panahon nitong pinundar at pinangalagaan.

f. For Fartnership

Merong mga tao na pagpasok pa lang sa firm, naisip nang maging partner. At determinado silang maabot ang pangarap na yun, whatever it takes.  Napapagod din naman sila, pero yung lahat ng hirap at sakripisyo, bale wala lang kumpara sa pabuya na naghihintay. Hindi ko man naranasan (at kahit kelan di ko nais maranasan) pero saludo ako sa mga taong may ganitong goal. Pero sana, di rin nila makalimutan na there’s more to life than just our career.

g. Foor na Foor

Alam naman natin, di kalakihan ang sweldo sa firm. Eto ang isa sa mga dahilan kung bakit marami ang lumilisan, kahit gaano pa nila kamahal ang trabaho nila o ang mga katrabaho nila (weh?! Haha :p ). Madalas sinasabi, kahit mababa ang sweldo, tataas naman ang market value mo… Naku, sana naman totoo to. tsk. hehe.

Mukha ba’ng bitter ang pagkasulat ko??? Wag mangamba, kahit may bitter days, may better days din naman…

 Friends Forever

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit “It’s more fun in SGV”. Kung meron man reason para magstay pa, yun yung mga kaibigan na natagpuan mo sa katauhan ng clustermates at batchmates mo na tinuring mo na ring kapamilya. Sila ang mga naging karamay natin sa hirap at ginhawa. Sila ang mga taong nakakaintindi sa mga pinagdadaanan natin, napagsasabihan natin ng sama ng loob, pilit na tumatawa kahit sa mga corny nating hirit at nagtyatiyaga sa mga araw na may topak tayo…

At pag may batchmates ka nga naman, daig pang magsyota at nagcecelebrate rin ng anniversary.. san ka pa?

Fara sa Familya

Lahat ng puyat, pagod, hirap, titiisin natin, para sa mga minamahal nating mga pamilya. Isa sila sa mga rason kung bakit tayo kumakayod—para makatulong. 🙂

Fara sa Fanginoon

Eto, seryoso. Not FF but FGG-For God’s Glory…It’s impossible to survive years in the firm without God’s strength, wisdom, provision, guidance and grace. Even though there are times na nakakalimutan natin Siya, God is FF-Forever Faithful. Lahat ng  mga naranasan natin sa SGV ay hindi nangyari ng walang pahintulot ng Panginoon. Kahit yung mga tipong kasumpa-sumpa sa paningin natin, He’ll turn it out for our good. Dati nga naiisip ko bakit ko pang nagawang magtrabaho dito. But God said, His ways are greater and His thoughts higher than ours.” Our stay in the firm is not just a matter of developing our competence but more importantly, building our character. God wants us to be CPAs-Christ Public Accountants.

And sabi nga ng friend ko, “And at the end of the day, what matters most is not your debits nor credits but the accounting that will be rendered to the LORD. We are to report our BALANCE SHEET – our LIFE – on how well we have utilized our ASSETS, settled our LIABILITIES and increased our EQUITY for HIS GREATER GLORY.”

HAPPY __ Year(s) mga FF! J (Kindly fill out the blank, kung anong applicable. ;))

Image

Wacky with CELmates—nung complete pa kami—ngayon, 6 out of 8 na lang. Sino kaya mahuhuli? 🙂

Image

Another wacky shot – with ACE batchmates. Complete pa 🙂 Iba naman ang tanong dito–sino kaya ang mauuna? 🙂

SGV

Reasons why it’s more fun… 🙂

 

Advertisements