Tags

, , ,


 

“Madamot!” Sigaw ng bata pagkababa sa jeep dahil walang makuhang limos.
Pagkarinig ko nun, magkahalong inis at lungkot ang naramdaman ko. Inis dahil tila natamaan ako at lungkot dahil hindi man lang naibigay kung ano ang kailangan ng batang musmos.
Ngunit ano nga ba ang dapat? Tama bang bigyan din natin sila ng limos? O hayaan na lang natin sila na manghingi kung kanino?
Ako man ay nalilito, pero ito ang isang katotohanan na pinanghahawakan ko: ang kailangan nila ay hindi material na bagay gaya ng pagkain, damit o pera. Higit pa sa mga bagay na iyon ang makakapagpuno sa kanila. Ang solusyon na tinutukoy ko ay ang Panginoong Hesus. Siya lamang ang tunay na makakakompleto sa atin. Bagamat ang mundo ay maraming hinahandog na nakakaaliw,lahat ng yun ay pansamantala lamang. Iisa lang ang makakapagbigay ng panghabangbuhay na kaligayan at pag-asa. At iyon ay matatagpuan sa ating dakilang Tagapagligtas.

 

Advertisements